Wednesday, October 3, 2007
Buhay from Pilo
Kuntento ka na bang mabuhay ng walang
kasama,
O pinipigilan mo na lang ang sarili mo
dahil takot ka na?
Pinili mo bang magkaganito para hindi
ka na magkamali at may masaktan,
O naguguluhan ka na sa mga bagay na
wala rin naman patutunguhan at
kasiguraduhan?
Maraming panahon na rin ang nagdaan,
Hind i mo alam kung siya pa ay
matatagpuan
Ngayon hindi mo na alam kung kaya mo
pang panindigan
Mg a bagay na lihim mong dinaramdam
Ku ng may darating pa kaya o lagi lang
napapadaan.. .
O hindi ka lang nakukuntento sa kung
ano ang nandyan...
Ma saya ka bang mabuhay sa anino ng iba
Na makita ang sarili mong hindi mo na
makilala...
Kaya ba naisip mong mas mabuti pang
mag isa,
Malayo sa gulo, kamunduhan at
panghuhusga...
Wala namang masama na piliin mamuhay
ng ganito,
Pero may mga panahong parang
masisiraan ka na ng ulo...
Paano kung sa isang iglap ng buhay
mong nagsosolo
May pagsubok na hahamunin ang puso
mong sa tagal ng panahon ay naging bato
Bakit lumalambot ka pa kahit bato ka
na???
B akit ngayon pa kung kailan akala mo'y
masaya ka na...
Bakit hindi ka na masaya ngayon kapag
mag isa ka...
Bakit kahit sa isip lang kailangan
nandun sya...
Hindi mo alam kung handa ka nang
sagutin ang mga tanong na yan
Dahil alam mong wala ka namang
pinanghaha wakan...
Ang mahalaga ay masaya ka at
nakakapagpasay a ka...
At alam mo ring ganon din ang nasa
isip nya
Kung may hangganan man ang pagiging
masaya ng may kasama...
Wal a kang magagawa dahil iyon ang
nakatadhana.. .
Kung sa huli ang saya ay gawin nyang
luha
Ngumiti ka lang at sabihing: "Kaya ko
pa ring mag-isa pero hindi ibig
sabihin na ayos lang sakin na wala
ka..."
Anuman ang kahinatnan ng mga bagay na
iyong pinagdaraanan
Sa huli masasabi mong mabuti pa rin
sayo ang kapalaran...
Dahil iginuhit itong kasama ang
kanyang pangalan...
I sang bagay na hindi mo na
malilimutan...
kayuman ay magkatuluyan
o hanggang kaibigan
lang ...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment